The Search
Berlin
kabisera at pinakamalawak na lungsod ng Germany
Ang Berlin ay ang kabesera ng Alemanya. May 3.7 milyong naninirahan, ito ang pinakamalaking lungsod sa bansa ayon sa lugar at populasyon, at ang pinakamalaking lungsod ayon sa populasyon sa buong Unyong Europeo, ayon sa populasyon sa loob ng mga limitasyon ng lungsod. Isa sa labing-anim na kinabibilangang estado ng Alemanya, ang Berlin ay napalilibutan ng Estado ng Brandeburgo at kadugtong ng Potsdam, ang kabesera ng Brandeburgo. Ang urbanong pook ng Berlin, na may populasyon na humigit-kumulang 4.5 milyon, ay ang pangalawang pinakamataong urbanong pook sa Alemanya pagkatapos ng Ruhr. Ang kabeserang rehiyon ng Berlin-Brandeburgo ay may humigit-kumulang 6.2 milyong mga naninirahan at ito ang ikatlong pinakamalaking kalakhang rehiyon ng Alemanya pagkatapos ng mga rehiyon ng Rin-Ruhr at Rin-Meno. Nagkaroon ng bigong pagtatangkang pag-isahin ang parehong estado noong 1996, at sa kabila ng nananatiling hiwalay, ang dalawang estado ay nagtutulungan sa maraming kalakaran hanggang ngayon.
Wikipedia · CC BY-SA
berlin — Ang Berlin ay ang kabesera ng Alemanya.
dictionary.aplusz.app