The Search
Tsokolate
pagkaing gawa sa mga binhi ng kakaw
Ang tsokolate o sikulate ay isang pagkain na gawa sa mga binhi ng kakaw na binusa't giniling. Lagap ito sa mga iba't ibang anyo: likido, solido o masa, sa ganang sarili o bilang pampalasa sa mga ibang pagkain. Matagal nang nakonsumo ang kakaw sa iba't ibang anyo mula noong sibilisasyong Olmeka, at nakagawa ang karamihan ng mga taong Mesoamerikano, kabilang ang mga Maya at Asteka, ng mga inuming tsokolate. Tinatawag na sikulatihan ang kasangkapan o aparatong ginagamit sa paggawa ng tsokolate.
Wikipedia · CC BY-SA
chocolate — chocolate
dictionary.aplusz.app