The Search
Hapon
monarkiyang konstitusyonal na bansa sa Silangang Asya
Ang Hapon ay bansang pulo na matatagpuan sa Silangang Asya. Ito'y nasa hilagang-kanlurang Karagatang Pasipiko, at nasa kanluran ng Dagat Hapon, habang umaabot mula sa Dagat Ohotsk sa hilaga patungo sa Dagat Silangang Tsina at Taywan sa timog. Bahagi ang bansa ng Singsing ng Apoy ng Pasipiko at sumasaklaw sa isang kapuluan ng 14125 pulo na mayroong lawak na 377,975 kilometrong kuwadrado; ang limang pangunahing isla ay ang Honshu, Hokkaido, Shikoku, Kyushu, at Okinawa. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Tokyo.
Wikipedia · CC BY-SA
hapon — Ang bahagi ng araw pagkatapos ng tanghali at bago ang gabi.
dictionary.aplusz.app