The Search
Helsinki
Ang Helsinki ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod sa Pinlandiya. Ito ay nasa rehiyon ng Uusimaa, matatagpuan sa timog Pinlandiya, sa baybayin ng Golpo ng Pinlandiya, na isang bisig ng Dagat Baltiko. Ang populasyon ng lungsod ng Helsinki ay 588,941, at dahil dito ay siyang pinakamataong bayan sa Pinlandiya. Ang Helsinki ay matatagpuan sa kulang-kulang na 400 km (250 mi) silangan ng Estocolmo, Swesya, 300 km (190 mi) kanluran ng San Petersburgo, Rusya at 80 km (50 mi) hilaga ng Tallinn, Estonya. Ang Helsinki ay may malalapit na kaugnayang pangkasaysayan sa tatlong lungsod na ito.
Wikipedia · CC BY-SA
helsinki — Ang Helsinki ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod sa Pinlandiya.
dictionary.aplusz.app