The Search
Lungsod ng Mehiko
Ang Lungsod ng Mehiko o Lungsod Mehiko ang punong lungsod at ang pinakamataong lungsod sa Mehiko. Nakatayo ito sa gitnang talampas na dati ay isang lawa. Ang lawakang metropolitano nito, na ipinalalawak ng Distritong Pederal at ng mga Estado ng Mehiko at Hidalgo, ang isa sa pinakamalalaki sa buong daigdig at ang ikalawa o ikatlong pinakamatao sa populasyon ng 19.3 milyon (2005). Ang Mehiko ang sentrong pang-ekonomiya, pampolitika at pangkultura ng bansa, ngunit hindi ito ang natatangi: Kapansin-pansin ang paglaki sa mga nagdaang taong ito ng mga lungsod tulad ng Monterrey, na itinuturing bilang ang bagong sentrong pang-industrya ng bansa at ng Guadalajara.
Wikipedia · CC BY-SA