The Search

The Search

Potosintesis

prosesong biyolohikal para gawing enerhiyang kemikal ang liwanag

Ang potosintesis ay isang sistema ng mga prosesong biyolohiko kung saan ang mga organismong autotropiko na may potopigmento, tulad ng karamihan sa mga halaman, alga, at siyanobakterya, ay naghuhugot ng enerhiya mula sa liwanag — karaniwang mula sa araw — at ginagawang enerhiyang kemikal na kailangan upang patakbuhin ang kanilang metabolismo. Ang terminong potosintesis ay karaniwang tumutukoy sa oksihenikong potosintesis, isang proseso na naglalabas ng oksiheno bilang panghuling produkto ng paghahati ng tubig. Iniimbak ng mga organismong potosintetiko ang nabubuong enerhiyang kemikal sa loob ng mga kawing ng mga organikong kompuwestong nasa loob ng selula, karaniwang mga karbohidrata gaya ng mga asukal, mga almirol, pitoglukoheno at selulosa. Kapag kailangang gamitin ang nakaimbak na enerhiyang ito, minemetabolisa ng mga selula ng isang organismo ang mga organikong kompuwesto sa pamamagitan ng respirasyong selular. May mahalagang papel ang potosintesis sa paglikha at pagpapanatili ng oksihenong nilalaman ng atmospera ng Daigdig, at ito ang nagbibigay ng karamihan sa enerhiyang biyolohikal na kailangan para sa masalimuot na anyo ng buhay sa Daigdig.

Wikipedia · CC BY-SA

potosintesis — Ang potosintesis ay isang sistema ng mga prosesong biyolohiko kung saan ang mga organismong autotropiko na may potopigmento, tulad ng karamihan sa mga halaman, alga, at siyanobakterya, ay naghuhugot ng enerhiya mula sa liwanag — karaniwang mula sa araw — at ginagawang enerhiyang kemikal na kailangan upang patakbuhin ang kanilang metabolismo.

dictionary.aplusz.app