The Search
Ramen
Pagkain mula sa bansang Hapón
Ang ramen ay isang masabaw na nudels lutuing nanggaling sa bansang Hapón. Naglalaman ito ng miswa na sinabawan ng sabaw ng karne o isda, at madalas na nilalagyan ng toyo o miso bilang pampalasa. Sinasahugan rin ito madalas ng hiniwang karne ng baboy, pinatuyong halamang-dagat, menma, at sibuyas. Halos lahat ng mga rehiyon sa bansang Hapón ay may sariling bersyon ng ramen, tulad ng tonkotsu ng Kyuushuu at ang miso ramen ng Hokkaido. Samantala, hindi sinasabawan ang mazemen, kundi ay nilalagyan ito ng sarsa, kahawig sa mga nudels na inihahain sa sarsang tamis-asim.
Wikipedia · CC BY-SA
ramen — Ang ramen ay isang masabaw na nudels lutuing nanggaling sa bansang Hapón.
dictionary.aplusz.app