The Search
Yoga
Ang yoga ay isang paniniwala at gawain ng pagdidisiplina sa katawan at isipan. Isa itong matanda o isinaunang disiplinang nagmula pa sa Indiya na gumagamit ng mga teknik o pamamaraan sa paghinga, ehersisyo, at meditasyon, at pinaniniwalaang nakapagpapainam ng kalusugan at nakapagbibigay ng kasiyahan. Isang salitang Sanskrito ang yoga na may ibig sabihing unyon o pag-iisa. Si Patanjali ang tagapanimula ng klasikong yoga, na nagbigay kahulugan sa yoga bilang ang pagtatanggal, pagtatapos, o paghinto ng pagbabago sa isipan o kaisipan.
Wikipedia · CC BY-SA
yoga — Ang yoga ay isang paniniwala at gawain ng pagdidisiplina sa katawan at isipan.
dictionary.aplusz.app